Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcial sigurado agad sa bronze

0 218

Abante sa semifinals ng ASBC Asian Elite Men’s and Women’s Boxing Championships 2021 sa Dubai, UAE si Tokyo Olympics-bound pro boxer Eumir Felix Marcial nang magtala ng walkover win sa men’s middleweight Miyerkoles.

Umatras ang makakalaban sa quarterfinals ng 25-year-old Pinoy boxer mula Zamboanga City na si Byamba-Erdene Otgonbaatar ng Mongolia dahil sa masakit na balikat na sanhi sa prelims bout na pinanalunan niya kontra Ridha Talib Jabbar ng Iraq.

Si Uzbek Jafarov Saidjamshid ang makakatapat ni Marcial sa Last Four. Pareho nang nakasigurado ng bronze medal ang dalawa. Ang mananalo’y titiyak ng silver sa pagpasok sa finals.

Nasa semis at tiyak na rin ng bronze ang iba pang lahok ng ‘Pinas na sina Mark Lester Durens, Junmilardo Ogayre at Josie Gabuco. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.