Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcial sinabon sina Ravena, Go

0 565

Pangaral lang ang binigay ni PBA commissioner Willie Marcial kina Thirdy Ravena at Isaac Go na nakunan ng video na naglalaro ng limahan sa isang gym sa San Juan.

Nag-viral ang video ng laro na nangyari habang lockdown dahil sa coronavirus at bawal pa ang team sports tulad ng basketball.

Ilang araw pa lang ang nakakaraan nang payagan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na mag-workout sa practice facilities ang PBA teams.

Bawal pa ang scrimmages at pick up games, pero may mga hindi nakatiis at nagpasaway base sa video.

“Kinausap ko si Isaac Go, sabi ko hindi na kita ipatatawag,” ani Marcial. “Sinabihan ko lang siya, binigyan ng konting advice.”

Technically ay wala pa sa PBA si Go.

Top pick siya ng Terra Firma (dating Columbian) sa special draft noong December pero naka-loan pa sa Gilas Pilipinas.

Si Thirdy ay hindi nagpa-draft, pumirma kamakailan ng kontrata sa San-en NeoPhoenix para maging Asian import ng team sa Japan B League.

Pero malapit din ang nakababatang kapatid ni Kiefer Ravena kay Commissioner na kung tawagin niya ay ‘tatay’.

Ang ipinatawag ni Marcial kahapon ay sina Japeth Aguilar ng Ginebra at rookie Adrian Wong ng Rain or Shine na kasamang nakunan sa video. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.