Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcial ‘sunog-kilay’ sa PBA, Gilas

0 112

Pigaan ng utak ang Philippine Basketball Association (PBA) sa pamumuno ni Commissioner Willie Marcial at Board of Governors kasama ang Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI) sa planning session sa susunod na linggo sa pro league headquarters sa Bagumbayan, Libis, Quezon City.

Pangunahing tatalakayin sa March 8-10 meeting ang 46th PBA 2021 program, tampok ang pagtulong ng liga sa national men’s basketball team o Gilas Pilipinas na kakampanya sa International Basketball Federation Olympic Qualifying Tournament 2021 sa June 29-July 4 Belgrade, Serbia at sa 30th Fiba Asia Cup 2021 tournament proper sa Jakarta, Indonesia sa August 16-28.

Mangunguna sa league Board of Governors sina chairman Victorico Vargas at Meralco representative at SBPI president Alfredo Panlilio kasama ang management team.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ihahatag din sa mesa ang pag-finalize ng unang Asia’s play-for-pay hoop sa virtual 36th PBA Draft 2021 sa March 14, inaugural 3×3 tourney sa itatakda pang date, opening ng 46th PBA Philippine Cup 2021 sa April 9;

Paglahok ng Gilas sa import-less conference, pagtataguyod ng SBPI sa 30th Fiba Asia Cup 2021 Qualifiers third and final window sa Clark Freeport, Angeles, at ang balak ng SBPI na mag-host ng isang pocket event na may dalawang PBA team kasama ang Gilas at isa pang foreign squad ang mga kalahok. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.