Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcial susunod sa istriktong patakaran

0 258

Makikipag-meeting si PBA commissioner Willie Marcial sa coaches at team managers ng 12 teams ngayong araw para balangkasin at plantsahin ang ‘bubble’ guidelines sa pagbabalik-workout ng players.

Sa susunod na linggo sa Board naman makikipag-meeting ang Commissioner. Siniguro ni Marcial na mas istriktong health protocol ang ipapatupad sa pagbabalik ng training.

Open sa suhestiyon ang Commissioner’s Office para maging maayos ang balik ng liga.

Umaasa ang PBA chief na matuloy ang restart ng September o October.

Nakakaisang laro pa lang ang 45th Season, ang 94-78 win ng San Miguel Beer sa Magnolia sa opening night noong March 8. Makalipas ang tatlong araw, kinansela na ang Philippine Cup.

“Hospital standards ang gagamitin natin,” aniya.

Unang nakipagpulong si Marcial sa Games and Amusements Board at Department of Health kahapon, ire-relay niya ang napag-usapan sa team managers at coaches mamaya.

“Scheduling ng practices, sanitation ng facilities, ‘yung lagi nating sinasabing closed circuit method na bahay-kotse-gym-kotse-bahay,” lahad ng commissioner sa posibleng tatalakayin sa pulong .

“Lalo na ‘yung social distancing,” giit niya. “Kasi kahit magka-teammate kayo, may tsansa para magkahawahan kung magkadikit kayo. Kailangan no physical contact talaga.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.