Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcial, PBA team practice ang hirit

0 83

Hihilinghin ng Philippine Basketball Association (PBA) sa gobyenro para masimulan ang plano sa mas agresibong pagsasanay ng 12 miyembrong koponan sa ikatlong lingo ng Setyembre kahit inilagay pa rin ang Metro Manila at ilang kalapit probinsya sa ilalim ng general community quarantine sa loob ng isang buwan.

Umaasa ang pro league na papayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang teams na makapag-scrimmages na sa Setyembre 16.

“We’re not discouraged by the extension of the GCQ status in Metro Manila. We’ll write the IATF on Emerging Infectious Diseases a letter, and we hope that we be granted permission to shift our training to a higher level this September,” pahayag nitong Martes ni PBA Commissioner Willie Marcial.

Limitado lang sa kasalukuyan ang mga aktibidad ng mga manlalaro na nakakapag-workout by batches.

Hinirit ng opisyal na ieesplika niya sa Joint Administrative Order na binubuo ng Department of Health (DOH), Philippine Sports Commission (PSC) at Games and Amusements Board (GAB) para sa restart ng training camp.

At kumpiyansa sniya siya na papayag ang gobyerno. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.