Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcial totodo sa sparring

0 384

Sa sparring sessions na lang popokus mula ngayon hanggang sa July 23-August 8 na 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan si Eumir Felix Marcial.

Ayon Huwebes sa handler niyang si Emmanuel ‘Manny ‘ Pacquaio Promotions president Sean Gibbons, hindi na muna sasalang sa professional fight ang US-based Pinoy pro boxer para magpokus sa nalalapit na quadrennial sportsfest.

Hinirit pa niyang sa ganitong diskarte, makakaiwas sa injury si Marcial bago pa magsimula ang Tokyo Olympics na rito’y asinta niyang bigyan ng unang gold medal ang ‘Pinas sapul noong 1924 Paris Games. (Elech Dawa).

Leave A Reply

Your email address will not be published.