Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcial vs American sa Dec 16

0 337

Makakatapat ni Tokyo Olympics-bound Eumir Felix Marcial sa kanyang pro debut si American boxer Andrew Whitfield sa Disyembre 16.

Sasabak sa isang four-round middleweight match bout ang Zamboanga native boxer at mapapanood sa LA Live’s Microsoft Theater sa FS1.

Dalawang buwan nang nag-eensayo ang Pinoy boxer sa paggabay ni Freddie Roach sa kanyang Wild Card sa Estados Unidos. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.