Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcial ‘wasak’ sa pagpanaw ng kuya

0 65

ILANG araw pa lamang sa kanyang puspusang pagsasanay ay agad na sinubok ng trahedya ang pamilya at katatagan ni national boxing team mainstay Eumir Felix Marcial na naghahanda para sa pagsabak nito sa 2020 Tokyo Olympic sa Los Angeles, California.

Si Eliver Marcial, 39, ang pinakamatanda sa Marcial siblings, ay binawian ng buhay matapos magkulapso madaling araw ng Sabado.

Na-stranded sa bahay ni Eumir sa Cavite ang kanyang kuya sapol na isagawa ng bansa ang Luzon-wide lockdown simula noong Marso dahil sa COVID-19 pandemic.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bibiyahe na dapat ito kahapon pabalik sa Zamboanga para makasama ang kanyang asawa at anim na anak.

“Masaya pa siya noong Friday ng gabi tapos excited na ‘yung parents ko lalo na ‘yung asawa niya pati mga anak niya. Masakit talaga sa akin kasi close kami magkakapatid,” sabi lamang ng naiiyak na si Marcial.

Agad naman inihanda ni MP Promotions President Sean Gibbons ang flight pabalik sa Pilipinas kay Marcial. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.