Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcial, Watanabe rarampa

0 26

Ibibida ng Team Philippines sa opening ceremony ng 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Biyernes Hulyo 23, ang traditional barong Tagalog na likha ni world-renowned designer Rajo Laurel.

Eeksena bilang male at female flag bearers ng bansa sa programa na gaganapin sa 68K-seating National Stadium sa Tokyo, Japan sina boxer Eumir Felix Marcial at judoka Kiyomi Watanabe.

Handog ng Philippine Sports Commission (PSC) sa ilalim ni Chairman William Ramirez ang pagkuha sa parade uniforms ng Team Pilipinas.

Isang cocoon silk barong na may machine-embroidered pitchera design Muslin inner shirt at light wool black pants ang isusuot ni Marcial habang ibibida naman ni Watanabe ang cocoon silk short blazer, machine embroidered front at sleeves na may neoprene spaghetti-strapped black inner blouse at neoprene black pants. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.