Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marco animadong dakila

0 810

Sa kanyang vlog, sinagot ni Marco Gumabao ang impresyon sa kanya ng mga follower niya sa episode na Reading Assumptions About Me.

Ang tingin sa kanya ay suplado.Nami-misunderstood lang daw minsan ang kanyang pananahimik.

Katunayan, hindi raw kasi siya nago-open up sa mga taong hindi niya kilala pero kung makikilala mo raw siya, mabait at palakaibigan daw naman siya.

Sa tanong kung babaero siya, hindi raw ito totoo dahil ilan pa lang daw naman ang naging girlfriend niya.

Hirit pa niya, sa ngayon ay single siya at mas inspired sa work.

Age does not matter din sa kanya sa pakikipagrelasyon bagamat never pa raw siyang nagkaroon ng girlfriend na three or four years older his age.

Sa kuwestiyon kung gay siya dahil nagawa niyang mag-split noon sa show ni Vice Ganda, deretsahan niyang sinabi na straight siya, bagamat wala naman siyang nakikitang masama sa pagiging gay.

Mali rin daw na gawing sukatan o husgahan ang kasarian ng isang tao dahil sa kanyang mga ginagawa o kayang gawin.

Sa tanong naman kung great in bed siya, aminado siyang mahilig siyang matulog.

Sa tanong naman ng isang netizen, kung daks siya, inamin niya ito dahil dakila raw siya kung magmahal.

Carmina OA sa nerbyos

Sa kanyang vlog, tinalakay ni Carmina Villarroel ang mga impresyon sa kanya sa episode na “Assumptions About Me with Zoren.”

Ani Carmina, aminado raw siyang nerbyosa at madaling mag-panic kahit sa maliliit na mga bagay.

Naging nerbyosa raw siya mula nang siya ay mag-asawa.

Hirit naman ni Zoren, hindi raw nerbyosa ang misis kundi paranoid.

Minsan daw kasi umo-OA na ang pagiging nerbyosa nito.

Matampuhin din daw siya pero rasonable naman daw siya kung magtampo. Isa ito sa ugaling namana ng kanyang anak na si Mavy sa kanya.

Malakas din daw siyang tumili lalo na kapag nakakakita ng ipis.

Hindi rin daw siya ganoon ka-metikolosa pagdating sa pag-iimpok kumpara sa hubby na si Zoren.

Pagdating daw sa pag-iinvest, mahina rin daw ang kanyang loob dahil takot siyang mawalan ng pera.

Sa tanong naman kung good mother siya, hindi raw siya good kundi great mother ayon sa mister.

Maingay rin daw siya pero tipong sweet lalo na kung kausap niya ang kapatid na paborito niyang katsikahan.

Bea ‘di tumalab ang bertud sa ex

Sa bagong entry sa kanyang vlog, ipinasilip ni Bea Alonzo ang laman ng kanyang bag.

Dito, na-reveal kung gaano ka-hygienic ang actress.

Tulad ng kanyang pagiging organized sa kitchen, metikolosa rin siya pagdating sa personal na gamit kasama na ang kanyang ‘kikay’ kit.

Sa bag niya ay naroon ang kanyang cellphone, make up kit at journal.

Dahil madalas gumamit ng gadget, madalas din daw nalo-lobat ang kanyang powerbank.

Ipinakita rin niya ang cleanser starter kit na regalo sa kanya ng kaibigang si Dimples Romana.

Sa loob ng kit ay naroon ang black tourmaline, isang bato na aniya’y pangontra sa anumang kanegahan.

“Ayaw natin ng nega. Doon tayo sa positive,” aniya.

May ilan namang nang-uurot na tila hindi raw tumalab ang bertud niya sa ghosting ng ex.

Leave A Reply

Your email address will not be published.