Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marco bet ‘sulutin’ si Julia

0 140

Nagkaroon ng pagkakataong kapanayamin ni Marco Gumabao ang kanyang ina sa kanyang vlog.

Naitanong sa madir ang mga bagay tungkol sa Viva hunk actor.

Sey ng mommy niya, kaya wala pa raw girlfriend ang binata ay dahil focus muna ito sa kanyang karera.

Priority rin daw nitong matulungan ang kanyang pamilya.

Tungkol naman sa pagpapaseksi ng anak, naiintindihan daw niya ito dahil parte ito ng trabaho ni Marco bilang artista.

Dagdag pa niya, napanood daw niya ang butt exposure ng anak sa “Just A Stranger” pero sa “Hindi Tayo Puwede” ay binawalan daw siyang manood ni Marco.

Kung magiging partner daw naman in general, type niyang makatambal ng hunk actor si Julia Barretto.

Bagamat hindi na play up, halata namang na-amuse si Marco sa sagot ng ina.

Hindi naman nakaligtas sa pang-ookray ng mga netizen ang aktor.

Hirit ng ilan, type raw nitong sulutin umano si Julia kina Joshua at Gerald.

Tumitiyempo lang daw ito at hindi malabong mangyari dahil pareho na silang Viva artists ni Juls.

Matatandaang sa vlog mismo ni Marco, inamin niyang naging crush niya noon si Julia.

Nagparamdam pa nga raw siya rito pero for some reason, walang namagitang espesyal sa kanila.

John Lloyd inintriga kay Joshua

Noong nagsisimula pa lamang si Joshua Garcia at gumagawa ng pangalan sa showbiz,marami na ang nagsasabing tila siya ang younger version ni John Lloyd Cruz.

Pagdating kasi sa hitsura at maging sa acting, marami ang nakapansin na kopya niya pati ang brilyo ng isang John Lloyd Cruz.

Kung intensyonal man ito o hindi sinasadya, panahon na rin siguro na patunayan ni Joshua na hindi siya copycat ng award-winning actor.

Kaya naman, usap-usapan ng mga tsismosa sa social media ang naging mensahe ni Lloydie kay Joshua nang maurirat ito sa kanya.

Dahil sa kanyang mensahe, basa ng kibitzers na ayaw niyang matawag na may junior na siya o tagapagmana sa kanyang trono.

Kumbaga, nag-iisa lang ang John Lloyd kaya sinabihan niya ang aktor ma magpokus ito kung paano ii-improve ang sarili at huwag padala sa kalituhang siya ang heir apparent sa trono ng magaling na aktor.

Ilan namang bitchy netizen ang nagsabing tila nai-insecure raw si John Lloyd sa young actor dahil posibleng maging threat ito sa kanyang pagbabalik-showbiz.

Dahil bata at sariwa, posible raw kasing dumating ang panahon na maipareha ito sa leading ladies niya tulad nina Bea Alonzo at Sarah Geronimo.

Pagtatanggol naman ng iba, WIS (walang ibig sabihin) daw ang emote ni Lloydie bagkus isa itong brotherly advice kay Joshua.

Duda nga nga iba baka tungkol sa lovelife ang payo na ‘yun ni JLC.

Vic ‘wapakels’ sa mga anak

Naging panauhin ang beteranong comedian at Eat Bulaga host na si Vic Sotto sa programang Tunay na Buhay ni Pia Arcangel sa GTV.

Naitanong kay Vic ang tungkol sa relasyon niya sa kanyang mga anak.

Ayon kay Vic, siya raw iyong tipo ng amang cool lamang at hindi nakikialam sa kanyang mga anak.

Gusto raw kasi niyang matuto ang kanyang mga supling sa sarili nilang pakikibaka sa buhay.

Hindi raw siya nagme-meddle kahit sa lovelife ng mga dyunakis maliban na lamang kung hihingin ang kanyang payo o patnubay.

Tungkol naman sa bunsong si Tali, ito raw ang madalas ka-bonding niya sa bahay.

Maituturing din na blessing in disguise ang pandemya para magkaroon sila ng maraming bonding moments.

Sey naman ng misis niyang si Pauleen Luna, kayang-kaya raw i-bully ni Tali ang kanyang tatay.

May pagkakataon nga raw na nag-iiyak ito at nagmaktol dahil hindi napahiram ng laruan.

Dahil dito, nag-emote raw si Vic na bilhan ito kahit limang laruan.

Aminado naman si Vic na hindi niya mahindian ang bunso lalo na kung naglalambing o nag-aalburoto ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.