Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marco ‘di naisahan ni Donnalyn

0 68

NI: ARCHIE LIAO

Nilinaw ni Marco Gumabao na hindi siya naisahan ni Donnalyn Bartolome nang sumali siya sa one million pool challenge ng actress-vlogger.

Sa halip, siya raw itong pinagtripan ng prank si Donnalyn.

Hindi lang daw na-reveal agad ang lahat dahil hinati sa tatlong bahagi ang vlog nang ipalabas ito.

Ang pagwo-walk out at pagrereklamo raw nila sa pabago-bagong rules ni Donnalyn ay bahagi raw ng napag-usapan nila ng DoNekla.

Aware raw kasi silang posible silang i-prank ni Donnalyn kaya inunahan na nila ito.

Ang siste lang, iyon daw nakapanood ng unang bahagi ng vlog ay nagkaroon ng impresyon na sila ang kontrabida.
Gayunpaman, natutuwa naman siya dahil na-redeem nila ang sarili sa huli at naging successful ang prank nila kay Donnalyn na kanilang pinaiyak dahil sa kanilang pag-a-attitude kuno.

Si Marco ay isa sa mga bida ng pelikulang Rooftop kung saan ginagampanan niya ang papel ng selosong boyfriend ni Ryza Cenon.

Palabas na sa SM Cinema ang naturang pelikula.

Leave A Reply

Your email address will not be published.