Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marco, Dominic ober da bakod sa Kapuso

0 415

NI: ARCHIE LIAO

Dahil sa pagrampa nina Dominic Roque at Marco Gumabao sa pa-event na Thanksgiving Gala ng GMA-7, malakas ang bulung-bulungan na magiging Kapuso na ang dalawang aktor.

Dumalo kasi roon si Dominic bilang escort ng kanyang nobyang si Bea Alonzo.

May mga nasorpresa naman sa pag-apir ni Marco Gumabao sa nasabing gala night na tinanghal na Frontrow Male Icon kasama si Rhian Ramos na pinangalanang Frontrow Female Icon of the Night.

Hirit ng kibitzers, hindi raw malabong mangyaring maging Kapuso si Dominic dahil sa closeness nito at ng girlfriend kay Mr. M.

Dahil Viva artist naman si Marco at may partnership ang GMA-7 at Viva sa mga shows, malaki rin daw ang posibilidad na sumunod sa Kapuso network ng aktor pagkatapos nina Xian Lim at Billy Crawford.

Leave A Reply

Your email address will not be published.