Abante Tonite Interactive

Marco Gallo walang paki sa hiwalayan ng DonKiss

487

Unang naging screen partner at ka-love team ni Kisses Delavin si Marco Gallo bago pa sila nagkaroon ng falling out.

Pagkatapos na maipareha kay Marco, napunta si Kisses kay Donny Pangilinan na nauwi rin sa hiwalayan blues ang onscreen partnership.

Pagkatapos na mabuwag ang kanilang tambalan, kinumpirma nina Donny at Kisses na magso-solo na sila sa kanilang mga career.

Bilang original team partner ni Kisses, natanong si Marco tungkol sa kanyang sentimyento sa hiwalayan ng DonKiss at ito ang kanyang reaksyon:

Related Posts

“Honestly, I don’t care! I mean, I’m not in it, and I’m not involved in it and I don’t know the story what happened. But feeling ko naman if they’re happy about it, then okay. And kung doon sila masaya, go lang.”

Dugtong pa niya: “I mean kahit sa kaninong tao man, kaaway ko man o hindi ko kaaway, ang sinasabi ko lang, at the end of the day lagi kang maging masaya kasi what if bukas wala ka na? Basta kung saan ka masaya, gawin mo ‘yun.”

(Archie Liao)