Abante Tonite Interactive

Marco ginamit si Juliana

213

Idinenay ng Kapamilya teen actor na si Marco Gallo na ginagamit lamang niya umano ang anak nina Richard Gomez at Lucy Torres na si Juliana para mapag-usapan.

Ayon pa kay Marco, walang masama sa ginawa niyang pag-amin na nagkaroon sila ng short-lived relationship ni Juliana kahit pa hindi mutual ito dahil walang kumpirmasyon sa parte nina Juliana at sa ama nitong si Goma.

Hindi rin daw siya iyong tipong ‘kiss and tell’ dahil pagpapakatotoo lamang daw sa sarili at pagpapahayag ng kanyang damdamin ang kanyang ginawa.

Kahit hiwalay na raw sa isa’t isa, nananatili raw namang magkaibigan sila at naging maayos daw naman ang kanilang naging paghihiwalay since pareho pa raw naman silang mga bata para seryosohin ang lahat.

Balik-showbiz si Marco dahil isa siya sa mga miyembro ng “Familia Blondina,” ang comedy event of the year na palabas na simula sa Pebrero 27.

Ayon pa kay Marco, for good na raw ang pamamalagi niya sa Pilipinas at gusto niyang i-grab lamang ang oportunidad kung may offers siya sa pag-aartista.

Hirit pa ni Marco, sa kanyang pagbabalik, gusto niyang makilala sa kanyang sariling merito bilang actor, may partner man siya o wala.