Abante Tonite Interactive

Marco lagot kay Goma

By
2,666

HINDI,” ang mabilis na sagot sa amin ni Richard Gomez sa tanong namin kung boyfriend na ng dalaga niyang si Juliana Torres Gomez ang Kapamilya young actor na si Marco Gallo.

Medyo nagulat din kami nang makita namin ‘yung Instagram post ni Marco na ang caption nito ay, “There’s no explanation to love,” tapos ay nakayakap ito kay Juliana habang nasa loob sila ng isang makulay na organic molecule sa BGC.

Deleted na ang post na ‘yon ng 17-anyos na dating Pinoy Big Brother 7 housemate, na ‘pag nakita mo ay iisipin mo talagang magsyota na ang dalawang bagets.

Pinansin ng mga netizen na nakapulupot si guy sa bewang ni girl, so obvious daw na hindi lang basta nagdi-date ang dalawa.

May humirit na lagot daw si Marco kay Mayor Goma. Alam daw ba ‘yon ng fadir ni Juliana at papasa raw kaya sa actor-turned-politician ang tisoy na binata?

Ang dami ring nagsabi na ang suwerte ni Marco dahil si Juliana raw ang totoong It Girl na hindi self-proclaimed.
17-anyos lang ang unica hija nina Mayor Goma at Congresswoman Lucy Torres Gomez, so medyo nakakabigla kung luma-lovelife na ito.

The baby is now a lady. At paganda nang paganda si Juliana habang nagdadalaga, kaya hindi kataka-takang lapitin ito ng mga boylet.

Magkasama sina Juliana at Marco sa Bench Open Paradise video na kinunan sa Ormoc with Grae Fernandez.

Present din ang dalawa sa pa-dinner recently ng Bench for Cole Sprouse sa Bench Café, pero nandu’n din ang mag-asawang Goma at Lucy.

Sa September 8 ang debut ni Juliana. Wait natin kung si Marco ang magi­ging escort niya sa kanyang debut party.

Dating ka-loveteam ni Marco ang PBB batchmate nito na si Kisses Delavin, pero tsugi na ang KissMarc tandem.

Hindi na friends ang dalawa at ayaw nang makatrabaho ni Kisses si Marco dahil may balitang binastos umano nito ang ina ng dalaga.

***

‘Di na nila maloloko ang tao’ — Roderick

TRENDING si Rode­rick Paulate nu’ng isang araw sa Twitter dahil sa balitang kinasuhan siya ng Ombudsman ng graft at multiple falsification charges.

May kaugnayan ito sa umano’y ghost employees na nasa payroll daw ng opisina ni Kuya Dick, na Councilor sa 2nd District ng QC.

Nag-post ng Bible verse sa Instagram ang batikang aktor na, “As long as you know that God is for you, it doesn’t matter who is against you.”

Ang caption niya rito ay, “Pagkatapos ng Barangay Election sa May 14, susunod na naman ang filing ng mga kandidatong tatakbo sa Oct para sa local election sa May 2019 sa QC.

“Lord, ano naman po ang susunod nila? No one is more powerful than you Lord. No one is above your Name!” na nilagyan niya ng hashtag na #paulitulit at #samesame dahil ito na lang palagi ang iniisyu sa kanya.

Sinagot din ni Kuya Dick ang isang nag-comment na next siyang gagawan ng isyu kapag naluklok na siya, so he should stay humble and positive all the time.

“Maraming salamat. ‘Di na nila maloloko ang tao ngayon. Iilan na lang ang naniniwala sa kanila. Sana ang tao huwag basta-basta maniniwala sa news lalo na ‘pag mali ang info. Ayaw ni PRRD ng ganyan,” sabi ng butihing Konsehal ng QC.

Isa si Kuya Dick sa pinakamabait at pinakamatinong tao na nakilala namin sa showbiz, kaya alam naming buo ang tiwala sa kanya ng constituents niya.

At dahil nagbabalik-showbiz si Maricel Soriano, parang bigla naming na-miss ang dating patok na patok na tandem nilang dalawa. Sana makagawa ulit ng pelikula ang Dick-Marya!