Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marco ‘mukhang pera’ sa P1M

0 980

NI: ARCHIE LIAO

Matapos na tumanggap ng batikos sa prank video ni Donnalyn Bartolome, nauna nang nahusgahan si Marco Gumabao ng mga netizen na nakapanood ng nasabing challenge.

Sa unang pagkakakataon ay nilinaw ng Viva hunk actor ang tungkol sa kanyang pinakitang hindi magandang ugali para ma-prank ang popular Youtuber.

Aniya, para sa mga taong inaakusahan siyang mukha siyang pera, hindi niya raw sisirain ang kanyang pangalan para sa isang milyon.

Sa katunayan ay nagbigay na lamang siya mula sa sarili niyang pera sa napili niyang pagbibigyan sana ng kanyang premyo sakaling siya ang nanalo.

Sa kanyang ibinahaging video, ibinida ni Marco kung paano niya naisipang i-gudtaym si Donnalyn dahil kilala niya itong mahilig mang-prank at gusto rin daw talaga niyang masubukang gawin iyon.

Sa kasagsagan ng pangba-bash sa kanya ay natawa umano si Marco dahil pakiramdam niya ay maging ang mga netizen ay na-prank niya rin.

Gayunpaman, hindi nito napigilang maging emosyonal nang magbigay ito ng mensahe sa mga tao na dapat ay iwasan ang manghusga kaagad sa kapwa. Dagdag pa niya dapat ay matutong rumespeto sa kahit sino.

Sa mga nagsasabi namang magaling siyang actor dahil napasakay niya ang viewers ng challenge sa kanyang pagwa-walkout sa nasabing vlog, kasama raw kasi iyon sa naisip nilang prank ni Super Tekla.

Leave A Reply

Your email address will not be published.