Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marco nagpaalam kay Jake ng lampungan sa dyowa

0 207

Matindi ang mga love scene ni Kylie Versoza with Marco Gumabao and Adrian Alandy sa pelikulang My Husband My Lover under Viva Films. Sa trailer pa lang ay makikita na ang maiinit na eksena niya kaya sa virtual mediacon kahapon ay hindi maiwasang maitanong sa kanya kung ano ang reaksyon dito ng boyfriend niyang si Jake Cuenca.

“I’m very grateful to have a supportive boyfriend especially sa industry na ‘to and very rare, and I really feel lucky and blessed to have him support me in projects like these,” sey ni Kylie.

Dagdag niya, “siyempre, alam mo, human pa rin tayo, so nakakaramdam pa rin tayo ng ganu’n, but he’s a very professional actor and he wishes me the best for my career. And naiintindihan niya kung anon’g kailangan kong gawin, kung ano ang gusto kong gawin sa career ko.

“And this is only one of the things na I want to do, napakaganda po ng material, magaling po ‘yung cast, magaling ‘yung direktor, so grinab ko ‘tong opportunity na ito to take this film.

“So, I feel so lucky and blessed to have him by my side.”

Ayon naman kay Marco, talagang nagpaalam din siya kay Jake since kaibigan niya ang aktor at nakasama sa seryeng Los Bastardos.

“Nagpaalam din ako kay Jake. Di ba? No, because as you all know, kapatid ko si Jake sa Los Bastardos and even after Los Bartados, kapatid ko pa rin siya offcam. Minsan, lumalabas kami ni Jake with Kylie, ako ‘yung laging third wheel nila,” sey ni Marco.

“Siyempre, I had to ask him for his blessing siyempre, kasi, kahit sabihin nating trabaho lang ‘to, as a gentleman and as a brother to him, tinext ko siya and sabi niya, ‘bro, you have my blessing, galingan n’yo.’

At malaking tulong daw ang blessings ni Jake para naman magawa rin niya nang mabuti ang mga eksena nila ni Kylie.

“Sobrang laking tulong sa akin ‘yun, kasi siyempre, sa mga eksena namin, talagang maiinit talaga ang mga eksena namin. So, I needed that go signal from Jake para siyempre matodo namin ‘yung story and ‘yung mga eksena,” sey ni Marco.

Sey naman ni Kylie, sobrang na-appreciate raw nila ni Jake ang pagpapaalam na ‘yun ni Marco.

Mula sa direksyon ni Mac C. Alejandre, magsisimula nang mapanood ang My Husband My Lover sa Nov. 26 sa Vivamax. Kasama rin sa movie si Cindy Miranda.

Leave A Reply

Your email address will not be published.