Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marco nangupit

0 266

NI: ARCHIE LIAO

May mga rebelasyon si Marco Gumabao sa kanyang vlog kung saan naging panauhin niya si Julia Barretto.

Sumalang kasi sa mukbang challenge ang dalawa kung saan nilantakan nila ang iba’t ibang flavored chicken wings na anila’y paborito nilang kainin.

Natanong si Marco kung ano ang natatandaan niyang pinaka-weird na nagawa niya sa tanang buhay niya.

Pagbubunyag ni Marco, ito raw iyong nangupit siya sa wallet ng nanay niya noong panahong wala pa siya sa showbiz at nag-aaral pa.

SM food to go Banner Ad

Ito rin iyong panahon na medyo chubby pa siya at hindi ba well-developed ang chiselled muscles.

Adik daw siya noon sa counterstrike at DOTA kaya nagawa niya iyon.

Naalala rin niya na sinita siya at pinagalitan ng kanyang Mommy.

Sa kaso naman ni Julia, never daw siyang nangupit kay Marjorie.

Aniya, kung may kailangan daw siya kay Marjorie, hihingi na lang daw siya kesa mangupit.

Wish ni Marco na magkaroon sila ni Julia ng collaboration para sa isang Youtube channel.

Leave A Reply

Your email address will not be published.