Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marco nilaglag ng barkada

0 86

NI: ARCHIE LIAO

Sumalang sa “Who’s Most Likely” challenge sina Dominic Roque, Patrick Sugui at Marco Gumabao sa vlog ng Viva hunk actor.

Sa kanilang pambubuking sinabi nina Dominic at Patrick na sa kanilang tatlo si Marco raw ang pinaka-marupok sa kanila pagdating sa usapin ng tukso.

Ito raw iyong tipong madaling mapaamo at tipong babalikan ang ex kahit nagkahiwalay na sila.

Sey naman ni Patrick, siya raw naman ang most likely na magkakaroon ng baby dahil malapit na raw siyang ikasal.

Sa kaso ni Dominic, dati raw ay asa itong babalikan ng ex pero ngayon daw ay wala na itong babalikan dahil nasa tamang tao na raw ito.

Ibinuking din nina Patrick at Dominic na sa kanilang tatlo, si Marco raw ang tipong nag-i-stalk sa mga babae, ex man niya o gustong dyowain.

‘May time kasi ng medyo lost pa kami [sa] mga buhay namin, si Marco kasi ‘yung laging naka-ano sa IG ‘yan. “’Pat tingnan mo. Pat spot mo to,” pagbubunyag ni Patrick.

“Pat tingnan mo, izu-zoom ko,” hirit ni Dominic.

“Wow! Wala pang zoom dati!” singit ni Marco.

“Pagka-zoom, screenshot,” ani Patrick.

“Pagka-zoom, ah, i-DM ko nga,” segunda ni Dominic.

Leave A Reply

Your email address will not be published.