Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marco nilanggam kina Bea, Dominic

0 150

Walang pag-amin. Wala ring pagtanggi. Ganyan ang estado sa pagkakaibigang Bea Alonzo at Dominic Roque na marami ang nanalig ay nag-iibigan na . Hindi na lang basta platonic ang kanilang relasyon, romantic na nga ba?

Madalas makitang having quality time by their twosome, marami ang nanalig na ang paandar ni Roque na being the last man to send a birthday greeting sa this generation’s movie queen ay isang indikasyon na oo, meron na nga silang new forever.

Kahit si Marco Gumabao ay emoji ng tatlong langgam ang reaksyon niya sa IG post ni Dominic.

Must we take it against them kung ayaw pa nila ang full disclosure of their relationship status? O baka naman masyadong nating binibigyang kulay ang kanilang documented moments at sobrang ballistic ang collective imahinasyon ng sumusubaybay sa kanila?

Whatever is the case, happiness para kina Bea Alonzo at Dominc Roque ang hilingin natin sa Sansinukob para sa dalawa. Lalo na nga’t ang they have a friendship as a foundation, ang totoo tungkol sa kanilang romansa, malalaman nating lahat sa tamang panahon.

Let us not jinx it, tama di ba?

Leave A Reply

Your email address will not be published.