Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marco pinatulan ang galit ni Bartolome

0 766

Pagkatapos ng kontrobersyal na pagwa-walkout umano ng Viva hunk actor na si Marco Gumabao kaugnay ng viral na “last to leave”video na pakulo ni Donnalyn Bartolome sa kanyang vlog, nag-react naman ito sa naging hanash ng Youtuber kung saan lumalabas na hindi sport ang actor dahil pikon ito.

Feeling pa ni Donnalyn, nabastos siya ni Marco sa ginawa nitong pag-alis sa nasabing challenge nang walang paalam.

Kasama rin kasi ang komedyanteng si Super Tekla sa mga nakipag-argumento kay Donnalyn sa idinagdag nitong mga rules habang umiigting na ang naturang challenge.

Sa ipinost naman ni Donnalyn na burado na ang nasabing vlog at nanghihinayang siya dahil may mga nasirang pagkakaibigan, hindi naman napigilang mag-react ni Marco.

“Galit na galit, gusto manakit guys? labyu all!,” reaksyon niya.

Meron namang kumampi kina Marco at Super Tekla at nagsabing hindi biro ang ginawa nilang hamon kung saan kailangan nilang magbabad sa pool na kasama ang mga insekto at ibang reptiles.

Sa huli, nagkomento naman si Donnalyn na : “Magtanim na lang tayo ng puno, kesa magtanim ng galit” na ipinapalagay ng mga netizen na pasaring sa actor.

Bf ni Vice `adik’

Marami ang naaliw sa pinakabagong vlog ni Vice Ganda na pinagtripan niya ang kanyang boyfriend na si Ion Perez.

Sa nasabing vlog, very engrossed si Ion sa paglalaro ng mobile games using his gadget.

Dahil dito, hindi napigilang magkomento ng mga netizen na “adik”daw pala ang boyfie ni Vice sa games.

Lahat ay ginawa ng komedyante para mapansin siya ng kanyang nobyo.

Sa sobrang abala ng dating Mr. Escort sa paglalaro ng mobile games, napagpasyahan ni Vice na paglaruan ang It’s Showtime mainstay.

Pinagtripan nitong gupitan ng buhok si Ion dahil mahaba na ito.

Bukod kay Ion, ginupitan din ng buhok ni Vice ang isa nilang kasambahay.

Wala namang nagawa si Ion kundi makisabay sa trip ng unkabogable star.

Humirit naman si Ion na peg pala niya ang maging kamukha ni Dao Ming Si ng F4.

Ayon kay Ion, wala naman na siyang magagawa kung ano ang kinalabasan ng buhok niya dahil nagupit na ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.