Abante Tonite Interactive

Marco puputok agad ‘pag galit?

866

tonite-pak-allan-diones

Si Marco Gumabao ay hindi raw masyadong hubadero ang karakter na si Matteo sa “Los Bastardos”.

Lagi raw siyang clean and neat dito, na naka-3-piece suit dahil isa siyang young CEO.

In fairness ay may kissing scenes agad sila ni Jane Oineza. Buti raw ay matagal silang magkakilala kaya nagtatawanan lang sila ni Jane.

Kung love scenes na ang gagawin nila, feeling ni Marco ay magiging komportable pa rin sila sa isa’t isa. Wala rin daw ka­sing hesitation si Jane basta pure work at para sa ikagaganda ng eksena.
Hot headed o mainitin ang ulong boss na laging galit sa mga trabahador niya ang role ni Marco. Konting mali lang daw ay puputok na siya agad.

Ganu’n ba siya ‘pag galit, puputok agad?

Natawa si Marco sa naughty question namin at sabi niya, “Grabe! Hindi, hindi ako gano’n. Ha! Ha! Ha! As much as possible, huwag pumutok!”

Ah, so napipigilan niyang pumutok… ang galit? Eh ‘di mabubuo ‘yon?

“Mabubuo ang conflict! Ito na nga, ibibigay ko na nga ‘yung mic sa iba!” natatawang sambit ng yummylicious na si Marco, na first time nabigyan ng bida role sa “Los Bastardos”, na magsisimula na sa Kapamilya Gold sa Oktubre 15 pagkatapos ng “Kadenang Ginto”.

***

Parang kinilig si Jane Oineza sa nakunang eksena nila ni Marco Gumabao sa sexy-drama series ng ABS-CBN na “PHR Presents: Los Bastardos”.

First scene pa lang nila ay intense na raw agad, sabi ni Jane. ‘Yun pala ay may kissing scene sila at ginulat daw siya ni Marco. Pero ayaw niyang magkuwento pa at panoorin na lang daw.

Masaya si Jane sa bagong bles­sing na ito sa kanya kasunod ng “Araw-Gabi”. Bago pa lang artista si Marco ay magkakilala na sila, so komportable sila sa isa’t isa.

Si Kylie Verzosa ay si Jake Cuenca ang kapareha sa “Los Bastardos” pero mai-involve din si Kylie kay Diego Loyzaga.

Si Maxine Medina ay ka-love triangle nina Jake at Kylie. Open si Maxine sa pagpapa-sexy. Sa IG ay pak na pak ang mga pa-bikini ni Maxine.

Si Ritz Azul ay si Diego ang partner at bago raw ito kay Ritz dahil rock star sila pareho ni Diego rito. ‘Yung pagpapa-sexy ay dagdag na spice daw para sa mga manonood at willing naman daw si Ritz kung may maipapakita siya. Pero siyempre ay TV pa rin ito, so may mga limitation.

Ang GirlTrends member ng “It’s Showtime” at nobya ni JayR na si Mica Javier ay si Joshua Colet ang makakapareha.

Ang bagets naman na si Mary Joy Apostol (bida ng pelikulang “Birdshot”) ay si Albie Casiño ang ka-partner, pero wholesome si Mary Joy na pinakabata sa anim na girls ng “Los Bastardos” na magsisimula nang magpainit sa Kapamilya Gold sa October 15.

Thea ready nang makipagtsuktsakan kay Rayver

Hindi na-offend kundi na-excite si Thea Tolentino na siya ang napiling gumanap bilang transwoman version ni Jason Abalos nang mag-transition na ito bilang babae sa Kapuso afternoon soap na “Asawa Ko, Karibal Ko”.

Kinakabahan si Thea dahil alam niyang sensitive ang topic ng kanilang panghapong drama, pero honored daw siya na sa kanya pinagkatiwala ang ganitong role kung saan puwede niyang maiparating sa lahat ang mensahe ng kanilang show, na nagmahal lang siya at lahat ay pantay-pantay pagdating sa pag-ibig.

So, hindi siya na-offend na siya ‘yung napiling gumanap na transwoman at hindi niya tinanong ang sarili niya kung mukha ba siyang bading?

“Hindi po. At saka bakit naman ako mao-offend? Ang gagan­da kaya nila! Ang dami ko ngang pina-follow sa Instagram (na transwomen) like ‘yung isa sa Thailand, ang ganda-ganda niya!

“Gumawa nga po ako ng IG account ng karakter ko na si Venus Hermosa. Doon ko po pina-follow ‘yung Thai na trans. Kasi, naghahanap po ako ng magiging peg. Pero wala akong mahanap na specific peg, so pinaghalu-halo ko na lang sila,” pakli ng 22-anyos na Kapuso actress.

Medyo challenge kay Thea na mababaw dapat ang boses niya sa “Asawa Ko, Karibal Ko” dahil base sa kanyang research, kahit nag-transition na ang mga transwoman ay nandu’n pa rin ‘yung boses na mababa o bass. So, hindi dapat girl na girl ang voice niya.

Sa Amerika magiging ganap na babae ang karakter niyang si Venus. So pagbalik ng ‘Pinas ni Jason ay babaeng-babae na ito.

Handa na raw si Thea sa intimate scenes nila ni Rayver Cruz na aagawin niya sa bidang si Kris Bernal. Sa “Haplos” ay grabe raw ang halikan nila ni Rocco Nacino sa isang eksena, so hindi na bago sa kanya ang ganu’ng eksena kung sakali.

Ang mas kinabahan daw si Thea ay nu’ng mabasa niya sa script na sa very first intimate scene nila ni Rayver ay sobrang daring nu’ng isusuot niya.

“Kasi, sa totoong buhay po, balot akong magdamit, eh. Sa beach, naka-shorts ako. ‘Yung mga naka-two-piece ako sa teleserye, sa TV lang po ‘yon. Sa totoong buhay, hindi ko kayang maggano’n!”
Sa payat niyang ‘yon ay conscious daw si Thea sa tiyan niya dahil mabilis siyang mag-bloat lalo na ‘pag napapa-rice siya.

Ready na si Thea na pahirapan at apihin si Kris Bernal sa “Asawa Ko, Karibal Ko” na magsisimula sa October 22 sa GMA Afternoon Prime.