Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marco, Super Tekla ‘binastos’ si Donnalyn

0 637

Kaloka ang Youtuber na si Donnalyn Bartolome dahil sadya niyang binura ang latest episode ng kanyang vlog na pinamagatang “Last to Leave the Pool Wins 1 Million”.

Ito ay dahil umano sa nangyaring insidente ng pagwa-walk out ng ilang kasali sa challenge na sina Marco Gumabao at Super Tekla.

Bukod sa dalawa, kasama nila ang ibang content creator na sina Mica Salamanca, Marco Gumabao, Asian Cutie at Donita Nose sa pakontes ng Viva artist.

Dahil 1 million pesos ang premyo, naging competitive at determinadong manalo ang lahat.

Habang tumatagal ay wala pa ring umaalis sa pool kaya unti-unting dinagdagan ang rules at challenge.

May mga kung ano-anong insektong na nilagay sa pool.

Mayroon ding mga ahas at maliit na buwaya na pinakawalan sa pool.

Kinailangan pa nilang pumirma sa waiver sa kalagitnaan ng vlog dahil sa panganib ngunit mayroon naman umanong nakaabang na mga medic na gagamot sakaling may mangyaring sa kanilang di inaasahan.

Sa kalagitnaan ng laro, napansin ni Donnalyn na umakyat si Marco sa railing ng pool at wala ang paa nito sa tubig kaya sinabihan siya nitong out na ito.

Pinaglaban naman ni Marco na parte pa naman ng pool ang railing kaya hindi pa siya out.

Ilang beses siyang sinabihan ni Donnalyn na hindi na siya kasali ngunit naniniwala ang aktor na hindi pa siya out kaya hindi ito umalis

Sumunod naman ay may nilagay na marker ang staff para maging palatandaan kung hanggang saan lang dapat mamalagi ang mga kalahok.

Sa rules, bawal daw na lumagpas sa marker na iyon.

Lumagpas naman si Tekla ngunit hindi din nito naintindihan ang naging bagong rule na dinagdag kaya nakipagtalo siya tungkol dito.

Dahil dito, napagdesisyunan nina Super Tekla at Marco na umalis na lang sa laro.

Napatanong naman si Donna kung prank daw ba iyon dahil ngayon lang daw siya nabastos sa isang collab na kanyang nagawa.

SM food to go Banner Ad

Samantala, burado na ang nasabing vlog at ito ang naging hanash ni Donnalyn sa kanyang Facebook account.

“Deleted na ‘yung vlog okay na tayo? 1M yun. 1M. 1 Million pesos galing saakin mismo yung pera na yun. Tingin niyo madali lang ibibigay ang 1M? Malamang may ahas at crocodile dun kaya mas okay magsialisan na lahat sa pool, nangangagat talaga yung mga buhaya na yun. Kaya nga tayo may waiver at medic kasi unsafe. Kaya ko doblehin yang 1M na yan making content with you guys, kikitain natin yan kahit di kayo manalo so sana walang pikunan. ��

Sayang friendship grabe..

LAST TO LEAVE THE POOL WINS 1 MILLION PESOS tapos kailangan bawal new rules? Pwede umakyat sa railing for like 30 seconds and still be in the game? Come on.”

Marco, pikon

Nakakantiyawan ngayon ang hunk actor na si Marco Gumabao sa pagiging pikon dahil umano sa ginawa nitong pagwa-walk out sa vlog ng kapuwa Viva artist na si Donnalyn Bartolome.

May mga hanash din si Donnalyn na umanoý nasayang ang friendship niya sa ilang kasali ng kanyang pa-challenge na umanoý hindi sport na bigla na lang nag-disappearing act sa laro.

May mga nagsasabi namang ungentlemanly daw para kay Marco na basta na lang umalis sa vlog lalo na’t may emote pa ang internet sensation na si Donnalyn na nabastos siya sa kanyang inasal bagamat wala siyang direktang tinukoy.

Hirit tuloy ng kibitzers, magkaroon na raw kaya ng lamat ang relasyon ng magkaibigan?

O, ma-resolve raw ba ito lalo pa’t pareho naman sila ng talent management company.

Speaking of Donnalyn, may mga nayayabangan naman sa kanyang naging hanash na galing mismo sa kanyang bulsa ang 1 million na ipapapremyo niya sa nabanggit na challenge.

May mga nag-react din sa sinabi niyang kaya niyang doblehin ang premyo dahil madali itong kitain.

Pang-uurot tuloy ng iba, yumabang na raw ba ang social media star at hindi na ito maabot?

 

Bukas ang panig sa Tonite nina Marco Gumabao, Super Tekla para sa ikalilinaw ng isyu.

Leave A Reply

Your email address will not be published.