Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marco, Tekla, Donnalyn cheap ang gimik

0 737

Sa ikalawang bahagi ng video na ibinahagi ni Donnalyn Bartolome kaugnay ng kontrobersyal na “1M challenge”, inilabas niya ang unedited at raw video clips kung saan detalyado niyang ipinaliwanag kung paano lumabag sina Marco Gumabao at Super Tekla sa rules ng game.

Ipinakita rin niya ang naging pagtatalo nila tungkol sa rules ng game na ayon sa dalawaý hindi consistent at pabago-bago.

Tulad nang nauna na niyang ipinaliwanag, sinabi ni Donnalyn, nadagdagan ang rules dahil nga ang premyo nito ay tumataginting na 1 milyon.

Sa huli, na-capture din sa video ang pagwa-walk out ng dalawang contestants na sina Marco at Super Tekla.

Pagkatapos magpalit ng damit at aktong aalis na sa venue ng game, muling nagkaroon ng diskusyunan ang magkabilang kampo.

Pero sa kalaunan, bigla na lang binulaga ng komedyante at ng hunk actor si Donnalyn para sabihing ang lahat ng dramang pa-walk out ay isa lamang prank para kay Donnalyn.

Dahil dito, hindi napigilang mapaiyak ni Donnalyn sa panggu-gudtaym sa kanya ang dalawa.

May mga viewers namang feeling ay naunggoy din sila.

Buong akala kasi nila ay may naganap na di pagkakaunawaan sa magkabilang kampo na humantong sa pagwa-walk out ng dalawang contestants sa game.

Iyon pala, isa lamang itong malaking drama.

SM food to go Banner Ad

Anila, sobrang convincing daw ang acting nina Marco at Tekla na akala moý sobrang imbudo kay Donnalyn.

May ilan namang followers na na-cheapan sa gimmick ni Donnalyn sa kanyang vlog dahil feeling nila ay scripted nila at kasabwat din ang Youtuber sa buong kaganapan sa vlog.

Robin walang nahuthot sa gobyerno

Sa kanilang vlog ni Mama Loi, nagbigay ng opinyon si Ogie Diaz sa emote ni Robin Padilla kung saan inamin ng actor na nagalaw na nito ang savings na laan sa pag-aaral ng mga anak sa gitna ng pandemya.

Naniniwala siyang hindi eklay ang emote ni Robin.

“Siyempre ‘yung iba diyan, lalo na ‘yung mga hindi nakakaintindi sa mga political views ni Robin Padilla would think na, ‘Ayan, si Robin Padilla naghihirap. Kakasuporta mo sa gobyerno ayan, e di ikaw ngayon ang wala’… Siyempre hindi mo maaalis na may umoopinyon ng nega sa sitwasyon ngayon ni Robin,”ani Papa O.

“Sa panahon na ito at inamin ni Robin na nagagalaw na niya ‘yung savings ng kanyang mga anak, alam mo isang pagiging totoong tao ‘yun. Na ibig sabihin, ako ang basa ko lang doon ha, na wala siyang nakukuha mula sa gobyernong sinusuportahan niya,”dugtong niya.

Sey pa niya, siya ang makapagpapatotoo sa pagiging mapagkawanggawa ng aktor na uunahin ang kanyang mga kababayan kesa sariling kapakanan.

“Just to let them know, ‘yung mga ayaw kay Robin. Minsan dinala ako ni Robin sa Fairview. Nakita ko kung gaano karaming kapatid na Muslim ang kanyang pinapakain, ang kanyang binibigyan ng shelter.

Kaya sabi ko kay Robin, ‘Bin, hindi ka yayaman’. Kasi ‘pag mayroon kang pera, nag-iisip ka, sino ‘yung susunod mong tutulungan’. Ganoon siya. Kaya bilib na bilib ako sa taong ‘yan, ilang beses ko ‘yan napatunayan. Hindi ‘yan pakitang-tao, dahil huling sentimo ni Robin ‘pag may nakita siya, ibibigay niya,”pagbabahagi niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.