Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marco tinanggi si Ivana

0 338

Matapos ang paglilinaw ni Ivana Alawi few days ago na magkaibigan lang sila ni Marco Gumabao, ang aktor naman ang nagsalita sa digital media conference ng My Husband, My Lover last Monday.

Sinegundahan ni Marco ang sinabi ni Ivana na magkaibigan lang sila.

Magkasunod na itinanggi ng dalawa ang tsismis na may relasyon sila. Pareho nilang nilinaw na magkaibigan lang sila.

“Basically, kami ni Ivana, we’ve been friends for more than a year. Magkakabarkada po talaga kami and at the same time, we really are close. But we’re just friends,” sey ni Marco.

Alam daw niyang maraming naintriga sa viral karaoke video nila ni Ivana. Doon nagsimula ang tsikang may relasyon sila. Pero ulit niya, friends lang talaga sila.

Nagpaliwanag din si Marco tungkol sa unang statement niya sa virtual mediacon ng Di na Muli kung saan ay sinabi niyang inspired siya nang matanong siya tungkol kay Ivana.

Klinaro niyang inspired siya in general dahil sa maraming bagay at hindi dahil sa isang girl.

Sa ngayon ay single raw siya pero nakikipag-date naman siya.

“Matagal na akong single, siguro 4 years. No but of course, I date, I get to know women pero siyempre, like I said a while ago, gusto ko kasi, my next girlfriend to be my wife.

“So, ayokong magsayang ng oras, ayokong magsayang ng effort, ng pera, pandemic pa naman ngayon, ba’t tayo magsasayang ng pera sa taong hindi tama para sa atin?” natatawang sabi ni Marco.

Nagbigay rin ang aktor ng katangiang gusto niya para maging GF.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Naghahanap din ako ng tao na talagang makaka-click ko. And at the same time, ang importante sa akin talaga is Christian, or kung hindi man siya Christian basta ‘yung open siya, at the same time ‘yung makaka-jive ‘yung family ko,” sey niya.

“Ayokong sabihing choosy ako pero parang very maingat ako sa gusto kong pilliin sa next girlfriend ko. So, hindi ako nagmamadali, I’m 27, I still have a lot of years to work and at the same time, work on myself.

“So, it will come. I know that God will give me the best girlfriend,” dagdag pa ni Marco.

Samantala, mapapanood na ang My Husband, My Lover sa Vivamax sa Nov. 26. Kasama dito ni Marco sina Kylie Verzosa, Cindy Miranda and Adrian Alandy mula sa direksyon ni Mac Alejandre.

Kelsey ayaw umarte

Bagama’t isa nang Viva artist ang sikat na Filipina-American model na si Kelsey Merritt, hindi pa siya napapanood sa kahit anumang acting project.Mukhang hindi naman siya interesado na maging artista sa Pilipinas.

Sey nga niya sa isang panayam, more on endorsement and commercial ang deal niya with Viva. Pero siyempre, marami pa ring netizens especially ang kanyang mga supporter ang nagwi-wish na makita siya na umaarte sa small or big screen.

Matatandaang gumawa ng history si Kelsey for being the first Filipino to walk in the Victoria’s Secret Fashion Show in 2018. Since then ay kinainggitan na siya ng marami especially ang mga young models natin at gustong sundan ang kanyang yapak.

Payo lang ni Kelsey sa mga ito ay “believe in yourself. If there’s only gonna be one person who will believe in you, it has to start with you.”

Base sa mga latest Instagram post ni Kelsey ay wala na naman siya sa bansa at wish niyang makauwi na siya soon dahil nami-miss na raw niya ang Pilipinas.

Leave A Reply

Your email address will not be published.