Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marco umaming inspirado kay Ivana

0 129

Tikom ang bibig ni Marco Gumabao tungkol sa talk of the town na relasyon nila ni Ivana Alawi. Panay ang kantyaw sa kanya ng press kagabi sa zoom mediacon ng Di Na Muli at tawa lang nang tawa ang aktor.

Biniro siyang mukhang in-love na in-love siya ngayon at tumawa lang siya’t hindi na nagsalita pa.

Nang diretsong matanong kung inspired siya ngayon, kaagad naman itong inamin ng aktor.

“Yes, I’m inspired,” aniya. Pero hindi na siya nag-elaborate pa

To the rescue naman ang leading lady niyang si Julia Barretto na kaagad sinalag ang mga tanong para kay Marco.

“I’m sure si Marco will talk about it when he’s ready to talk about it. I think everyone is still in shock and he’s still overwhelmed. Kasi si Marco is the type of guy na pag private life niya, gusto niya, private lang. Di ba Marcs?” sey ni Julia.

“Sobra,” sabi naman ni Marco.

Nang matanong naman kung kino-confirm na ba niya na si Ivana talaga ang nagpapatibok ng puso niya ngayon, sumenyas lang ng zipper sa bibig si Marco.

Samantala, kasalukuyang napapanood ang seryeng Di Na Muli sa TV5 every Saturday, 8pm. Ito ang unang pagtatambal nina Marco at Julia, kasama si Marco Gallo. Ito ay mula sa direksyon ni Andoy Ranay hatid ng Cignal at Sari Sari Channel kasama ang Viva Entertainment.

At simula ngayong third week ng Oktubre ay mapapanood na rin ang Di Na Muli sa Vivamax.

Leave A Reply

Your email address will not be published.