Abante Tonite Interactive

Marcos at Robredo pinatatahimik sa recount

By
2,831

Kapwa binigyan ng Supreme Court (SC) na umuupong Presidential Electoral Tribunal (PET) ng show cause order sina dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos at Vice President Leni Robredo dahil sa paglabag sa subjudice rule.

Binigyan ng SC ng 10 araw ang magkabilang kampo na magpaliwanag para hindi sila mapatawan ng contempt.

Nabatid na nagpalabas ng dalawang re­solusyon ang SC noong Pebrero 13 at Marso 20 na nagbabawal sa magkabilang kampo na pag-usapan sa publiko ang nagaganap sa recount ng mga balota.

Gayunman, patuloy ang pagpapahayag ng magkabilang kampo sa pamamagitan ng kanilang mga abogado sa mga sensitibong nangyayari sa nagaganap na recount ng mga balota.

Inatasan rin ng PET ang magkabilang panig na sundin ang subjudice rule.