Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcos babantayan korapsiyon sa BIR, BOC

0 78

Nangako si President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na hahabulin niya ang mga masasangkot sa korapsiyon ngunit para lamang ito sa mga tiwaling opisyal sa ilalim ng kanyang termino.

Sa isang press briefing nitong Huwebes, sinabi ni Marcos na hindi niya mapapanagot ang mga nasangkot sa korapsiyon sa mga nagdaang administrasyon.

Para sa kanya, dapat kalimutan na ang nakaraan subalit hindi niya papayagang magkaroon ng katiwalian sa kanyang panunungkulan.

“Ah corruption? Kalimutan na lang natin `yong nakaraan. Sasabihin natin, ‘Ah sige that’s not under my watch, hindi ako, hindi ako namamahala noon eh. Ngayon ako na namamahala, so wala nang ganyan,” saad ni Marcos nang tanungin kung paano niya papanagutin ang mga dawit sa korapsiyon, partikular sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC).

Aniya, sisiguraduhin pa rin naman niyang mapapanagot ang mga kurakot sa kanyang termino.

“Kung mayroon pang ganyan eh hahabul-habulin talaga namin kayo hindi pupuwede ‘yan because we will not succeed,” dagdag pa ni Marcos.

Wala pang naitalaga si Marcos para pamunuan ang BIR at BOC ngunit unti-unti nang napupuno ang kanyang gabinete. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.