Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcos bukas sa pagtakbong presidente

0 73

Kinokonsidera ni dating senador Ferdinand `Bongbong’ Marcos Jr. ang pagtakbong presidente sa 2022 elections.

Paliwanag ni Marcos, kinonsidera niya ang pagtakbo sa pagka-pangulo dahil marami sa mga tagasuporta niya ang may gusto nito kesa targetin niya ang vice presidential bid.

Dagdag ni Marcos, kung pagbabatayan ang mga survey ay mas malakas umano siya sa presidential election.

“In fact, kung titingnan mo ‘yung survey, I do better in the presidential survey than the vice presidential survey. So yes I think that’s a common sentiment that many of our supporters want me to run for the presidency,” aniya sa isang virtual forum.

“That’s the reason why I even considering it. Because andiyan talaga ‘yong support,” dagdag ni Marcos.

Matatandaang noong 2016 ay tumakbo si Marcos sa vice presidential election pero natalo kay Vice President Leni Robredo. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.