Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcos butata sa face-to-face class

0 259

Iginiit ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na huwag madaliin ang face-to-face classes upang maiwasan ang biglang paglobo ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ang reaksyon ng kalihim sa ilang humihirit ng face-to-face class kahit wala pang bakuna kontra COVID.

Isa si Senador Imee Marcos sa nagsabing kung pinayagan na aniyang buksan ang mga sabungan, dapat pabuksan na rin ang mga eskuwelahan dahil mas mahalaga ang edukasyon kaysa sa sugal na sabong.

“Para sa akin talagang nadismaya ako na mas mahalaga pa pala ang sabong sa Pilipino kaysa sa edukasyon. Dalawang linggong nakalipas, binuksan na ang sabongan pero yung eskwelahan sarado pa rin, hindi naman yata tama,” pahayag ni Marcos sa pagdinig ng Senate committee on basic education.

“Ang sinasabi natin, huwag na lang natin munang i-rush. Kasi ang tanong diyan, ikaw gusto mong gawin ‘yan pero sino ba ang responsable diyan? Ikaw ba? Ang galing mong magrekomenda pero wala ka naman palang responsibilidad diyan,” pahayag naman ng kalihim ng DILG subalit wala itong tinukoy na partikular na pangalan.

Sinabi pa ni Año ang hirap sa pagkontrol ng milyon-milyong estudyante kung magkakaroon ng face-to-face classes.

“Mismong Pangulo na ang nagsabi na wala munang face-to-face hanggang matapos itong December 2020. So sundin natin ang utos ng Pangulo. By January naman, marami naman tayong pagbabago diyan,” paliwanag pa ni Año. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.