Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcos Jr bulilyaso sa medical record

0 60

Hihingin ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon sa kampo ni dating senador Ferdinand Marcos Jr. na ipakita ang notaryadong medical certificate nito matapos na hindi humarap sa virtual hearing ng komisyon kaugnay sa kanyang disqualification case.

Sinabi ni Guanzon, presiding commissioner ng Comelec Division, na kanyang aatasan si Dr. Benedict Francis Valdecañas para isumite ang notaryadong medical certificate ni Marcos na binasa ng abogado nito sa kanilang preliminary conference noong Enero 7.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Now I have to require the doctor who examined Marcos Jr to have his medical certificate notarized and indicate his medical license number,” tweet ni Guanzon kahapon.

Ang pahayag ni Guanzon ay kasunod ng lumabas na dalawang panayam kay Marcos sa radyo sa kabila ng hindi umano magandang pakiramdam nito kung kaya’t hindi nakadalo sa pagdinig ng Comelec. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.