Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcos Jr caravan binira sa perwisyo

0 48

Uminit ang ulo ng may-ari ng isang negosyo dahil sa mahaba at maingay na caravan ng mga supporter ni presidential bet Ferdinand Marcos Jr. na aniya ay istorbo sa kanilang pagtitinda.

“Ano ba ‘yan, perwisyo!” bungad ng babaeng may-ari ng bulalohan sa Puerto Princesa City, Palawan nang sunod-sunod na dumaan sa harap ng kanyang tindahan ang mga supporter ni Marcos sakay ng motorsiklo at kotse, noong Linggo, Nobyembre 21.

Higit 10 minuto ang tinagal ng pag-arangkada ng caravan.

Pero hindi lahat masaya dahil para kay ‘Mel’ nagiging abala ito sa kanilang mga kostumer na hindi makadaan sa kanilang tindahan na ngayon pa lang sana makakabawi matapos maapektuhan ng pandemya.

Ito rin ang parehong sentimyento ng radio anchor na si Rowena Salvacion na napikon sa caravan ng isang politiko na hindi na niya pinangalanan.

SM food to go Banner Ad

“Kung sinoman ang politiko na may pa-caravan, causing bad traffic, `wag ka sana manalo. You don’t even plan your caravan well para hindi ka sakit ng ulo ng publiko. Ang aga mo ha,” tweet ni Salvacion, Linggo ng umaga.

Agad na nahulaan ng kanyang mga follower kung sino ang politiko na kanyang tinutukoy.

“Si BBM yan. Hahahaha ngayong Linggo ang schedule nila,” sabi ni Harold.

Hindi lang ang kampo ni Marcos ang nagsasagawa ng mga caravan, maging ang mga supporter din ni Vice President Leni Robredo, Mayor Isko Moreno, Senador Bong Go at iba pang kandidato para sa halalan 2022 ay nagsagawa ng mga kaparehong pagkilos sa iba’t ibang probinsiya sa bansa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.