Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcos Jr duwag sa debate

0 215

Nag-trending sa social media platform na Twitter ang #MarcosDuwag.

Ito’y matapos na umatras si dating senador Ferdinand Marcos Jr. sa imbitasyon ng isang tv network para sa isang panayam.

Si Marcos lang ang natatanging presidential candidate na umatras sa naturang imbitasyon.

Sa teaser ng “The Jessica Soho Presidential Interviews”, sinaad na tanging sina Senador Panfilo `Ping’ Lacson, Senador Manny Pacquiao, Vice President Leni Robredo at Mayor Isko Moreno lang ang kumasa sa kanilang hamon.

“Hindi nagpaunlak ng panayam si former senator Bongbong Marcos,” ayon kay Soho.

Dahil dito, numero unong trending sa Twitter ang #MarcosDuwag dahil sa pag-indyan ni Marcos Jr. sa pagkakataong makatapat ang iba pang presidentiable.

Wala pang binibigay na dahilan ang kampo ni Marcos Jr. hinggil sa pagtanggi nila sa interview.

Narito ang ilan sa komento ng mga netizen:

@denverDexplorer: “I can’t believe i’m saying this but Duterte was right. He is really is a WEAK LEADER!!!”

@jayzone43: “Tapos gusto nila na siya ang mamuno?! Naku mas marami pang mas stressful na dapat harapin pero simpleng interview lang bahag na buntot?”

@jvcabrera: “If Marcos Jr. can’t handle the heat of an interview, how can we expect him to handle the responsibilities of being a president?”

300 troll kinatay ng Twitter

Hindi pinalusot ng social media platform na Twitter ang nasa 300 account na nagsusulong ng kandidatura ni dating senador Ferdinand Marcos Jr.

Ito’y matapos suspindehin ng Twitter ang mga nasabing account dahil sa paglabag umano sa mga polisiya sa platform manipulation at spam.

Nabatid na karamihan sa mga sinuspindeng account ay matagal nang inalis bilang bahagi ng “routine actions” ng Twitter.

Nabatid na patuloy ang pag-iimbestiga ng kompanya sa mga naturang account.

“With the Philippine elections taking place this May, we remain vigilant about identifying and eliminating suspected information campaigns targeting election conversations,” ayon sa Twitter sa isang email statement.

Base naman sa independent fact-checker na VERA Files, nakinabang umano si Marcos mula sa mga `election-related disinformation’ noong nakalipas na taon. (Ray Mark Patriarca/Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.