Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcos Jr ilulugmok `Pinas

0 91

Madilim ang hinaharap ng ekonomiya ng bansa sakaling magwagi sa pagiging pangulo ang nangunguna sa mga survey na si dating senador Ferdinand Marcos Jr., ayon sa isang independent policy at advocacy organization.

Sabi ng Action for Economic Reforms (AER), problema ang pangunguna ni Marcos sa mga survey sakaling ito nga ang magwagi sa halalan lalo pa’t laganap umano ang korapsiyon, cronyism, at political instability sa panahon ng panunungkulan ng kanyang ama bilang pangulo ng bansa kung kailan bumagsak ang ekonomiya.

Ayon sa AER, ang kampanya ni Marcos ngayon ay nakatutok sa kasinungalingan tungkol sa panahon ng kanyang ama at umaasa ito sa misinformation at pag-iimbento ng kasaysayan para magpapogi.

Dagdag pa ng AER, mahina si Marcos kung ikukumpara sa kanyang ama at hindi malinaw ang plataporma sa ekonomiya kung saan pagkakakaisa lamang ang sinisigaw imbes na maglatag ng plataporma o plano para sa ekonomiya.

Bilang senador, mahina rin umano si Marcos at nasangkot pa sa pork barrel scam.

Dagdag pa ng AER, may mga kaso pa ito ng tax evasion at ill-gotten wealth at inubos lang niya ang nakaraaang anim na taon sa pagkakalat ng kasinungalingan at pagsasayang ng oras at resources ng pamahalaan nang hamunin pa ang naging resulta ng vice presidential election noong 2016 kung saan tatlong beses pa siyang natalo.

Hindi rin umano tama na hindi humaharap si Marcos sa mga debate at umiiwas sa pagsagot sa mga mahihirap na tanong. Sabi ng AER, hindi ito ang pamumuno na magbibigay ng pag-asa ngayong maraming walang kasiguruhan ang nangyayari sa ekonomiya. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.