Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcos Jr kinalampag ng mga magsasaka

0 93

Nanawagan ang isang pederasyon ng mga magsasaka kay presumptive president Ferdinand Marcos Jr. at sa mga susunod na mga kongresista at senador na tingnan mabuti ang Rice Tariffication Law at amiyendahan ito.

Sa isang pahayag, sinabi ng Federation of Free Farmers (FFF) na nagkaroon sila ng online forum kasama ang kumakandidato pa lamang na si Marcos noong Disyembre 6, 2021 kung saan sinabi nitong bukas siya sa pagsuspinde ng RTL dahil sa negatibong epekto nito sa presyo ng palay at sa kita ng mga magsasaka.

Matatandaang isa sa pinangako ni Marcos ay pabababain niya ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.