Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcos Jr. pinaghandaan diskuwalipikasyon

0 203

Mariing pinabulaanan ni Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang mga ispekulasyon na maaaring madiskuwalipika siya sa kanyang kandidatura sa pagka-pangulo at binigyang-diin na ang lahat ng ebidensiya at legal na argumento na hawak nila ay malinaw na nagpapakita na ang petisyong inihain laban sa kanyang kandidatura ay ‘basura’ lamang at walang kwenta.

Ang pahayag ay ginawa mismo ni Bongbong upang tiyakin sa kanyang milyun-milyong mga tagasuporta na ang kanyang laban upang makapagsilbi sa mga mamamayang Filipino sa ilalim ng isang unifying leadership ay ‘impeccable’ at hindi matitinag ng mga mapanlinlang na propaganda.

“Kahit alam ko na ang petisyon ng mga taong ayaw umusad ang bansa sa pag-asenso ay sadyang walang kwenta, pinaghahandaan pa rin ito ng aming mga abogado,” pagtiyak pa ni Bongbong, na nangunguna sa lahat ng surveys para sa presidential preference.

“I’ve personally seen the documents for our defense and I’ve personally discussed them with our legal team who, along with some reputable and respectable legal experts, concluded without doubt that the petition to delist my name from the roster of applicants for the presidency is without merit and has no legal basis,” giit pa niya.

SM food to go Banner Ad

Tinutukoy ni Bongbong ang naunang legal views na inihayag sa publiko nina dating Justice secretary at Ateneo law expert Alberto Agra at UST faculty of law dean Nilo Divina na ang naturang petisyon ay walang basehan ‘in fact’ at ‘in law.’

“The attempt to stop Marcos, Jr. from joining the 2022 presidential race is likely to fail,” ayon kay Divina, at binigyang-diin na, “the petition is bound to collapse once evaluated by the Comelec because it appears to be defective in form and offers insufficient legal basis to obtain its desired judgement.”

“Kaya nananawagan ako sa aking supporters at sa buong sambayanan na panatiliin natin ang pananalig na hindi magtatagumpay ang baluktot na hangarin laban sa aking pagtakbo, at patuloy nating ipaglaban ang karapatan ng mamamayan para sa malayang pagpili ng mga napupusuang nilang kandidato sa darating na halalan,” madamdaming pahayag ni Bongbong.

Leave A Reply

Your email address will not be published.