Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcos supalpal, binasura mosyon sa PET

0 273

Hindi pinaburan ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ang motion to inhibit na inihain ni dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. laban kay Supreme Court Justice Marvic Leonen.

Hiniling ni Marcos sa PET na tanggalin si Leonen sa deliberasyon sa hinain niyang poll protest laban kay Vice President Leni Robredo. Nabatid na unanimous rin ang naging botohan ng PET laban sa mosyo na magkasunod na inihain ni Marcos at Solicitor General Jose Calida noong Nobyembre 9.

Inatasan rin ng PET si Calida na sagutin ang show cause order kung bakit hindi siya dapat na ma-contempt sa hakbang niya na alisin sa paghawak ng kaso ni Leonen. Una nang itinanggi ni Marcos na nagkaroon sila ng pag-uusap ni Calida sa pagsasampa ng mosyon na humihiling rin na tanggalin sa kaso si Leonen.

Sa mosyon ni Marcos, inakusahan nito ang mahistrado ng pagiging bias diumano sa pagpabor nito kay Robredo na tumalo sa kanya ng 263,473 boto noong Mayo 2016 election. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.