Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcus, Celtics pinulbos Suns

0 157

UMISKOR ng 10 pataas ang pito sa walong tao na nasa lineup ng Boston at niluray ng Celtics ang dumayong Phoenix Suns 123-108 Biyernes ng gabi sa TD Garden.

Nalubog sa 67-41 sa halftime ang Suns at hindi na nakarekober.

Tumabo ng tig-24 points at pinagsamang 20 rebounds sina Marcus Smart at Jaylen Brown para pangunahan ang Boston (17-19).

May pinagsamang 46 points ang reserves ng Celtics sa pangunguna ng 19 ni Josh Richardson. Nagsumite ng triple-double na 10 points, 11 rebounds, 10 assists si center Robert Williams.

Tumapos din ng double figures ang starters ng Phoenix pero napigil sa 27-8.

Bumandera sa Suns ang 22 points ni Devin Booker at 20 markers kay Cameron Johnson.

Walang inside defender ang Suns, dinomina ng Celtics ang puntusan sa paint 64-46 at rebounds 51-37. May 7 blocks pa ang hosts kumpara sa dalawa lang ng visitors. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.