Abante Tonite Interactive

Margareth pantasya sina Ronnie, Kean

By
1,687

Isa si Margareth Alcala sa youngest Tonite Babe Ganda Mo, Teh! candidate.­ Sa gulang na 18, isa siyang Grade 11 student sa ­Eastern Valley School.

Sa height niyang 5’5, swak na swak ito sa makurbang vital statistics niyang 34-24-36.

Kabilang sa mga titulong­ nakuha niya, bukod sa kanilang school ay Bb. San Isidro, Trade and Industry 2017, Bb. Kasiglahan 2018, Bb. San Isidro Tourism 2018, at Edvher Collection Fashion Runway 2nd runner up.

Sinabi ni Marga (nickname ni Margareth) ang dream niya sa buhay.

“Dream ko ay maging beauty queen. Sa daan na tinatahak ko ngayon, alam kong someday ay marara­ting ko rin ang pangarap kong ito, lalo na at determinado talaga ako at nagpupursige,” esplika niya.

Sa tingin niya, ano ang pinaka-seksing parte ng katawan niya?

Tugon niya, “Pinakaseksi para sa akin ay ‘yung eyes ko. Siguro ang nagpaseksi talaga rito ay yung kilay ko. Looks like mataray talaga, kaya seksing-seksi ang da­tingan.”

Ano ang bet niyang BF, bagets na guwapo pero walang pera or older guy pero maraming pera?
“Siguro ‘yung pipiliin ko ay iyong bagets, hahaha! Pero kung sino naman ang magiging BF, ko it’s okay lang naman sa akin,” nakangiting saad pa niya.

Kung bibigyan siya ng pagkakataon, sinong aktres ang gusto niyang makamukha? Why?

“Si Liza Soberano! Kasi para sa akin perfect ang face niya. Pinakaseksi naman na aktres para sa akin, sa tingin ko siguro, si Jessy Mendiola. Gusto ko kasi ‘yung body niya. Si Jessy ‘yung batayan ko ng seksi.”

Sino ang crush o pantasya niyang aktor?

“Si Ronnie Alonte, attracted talaga ako sa kanya in terms sa mga movies,­ ganoon. Pero si Kean Cipriano, iba ang dating sa akin, crush na crush ko talaga siya. And para sa akin, si Kean ang pinakaseksing actor sa showbiz.

“I dont know why, maybe sa eyes niya kaya seksi si Kean sa paningin ko,” pakli pa ng Tonite Babe number 2.

Sa mga gustong­ sumali para maging­ Abante/Tonite Babe para sa buwan ng September, ipadala ang inyong close up at whole body picture, bio data sa roldancastro2015@gmail.com, 18 to 28 years old, 5’3” pataas.

Para naman bumoto, gupitin sa Abante Tonite ang (Margareth Alcala Tonite Babe #1, 70 % ang katumbas) at lakipan ng logo ng Abante Tonite na may petsa, lagyan ng pa­ngalan ng nagpadala, address at telepono.

May sorpresang premyong nakalaan sa mabubunot na Abante Tonite reader buwan-buwan at may tsansa na makapanood sa grand co­ronation.

Ipadala ito sa Tonite Babe, Abante Tonite office sa 3rd floor Karrivin Plaza Building, 2316 Chino Roces Avenue Extension, Makati City. Puwede ring sumadya sa opisina at ihulog sa drop box.

Mahigpit na ipinagbabawal na lumahok ang mga empleyado at kamag-anak ng PRAGE Management Services hanggang sa second degree of consanguinity.

Puwede ring mag-like­ online sa kanyang photo para sa karagdagang puntos (30%). Bisitahin­ ang Abante Tonite Facebook Page, AbanteTNT sa Instagram.­ Para masilip ang ibang seksing larawan ni Margareth, dumalaw sa website na www.tonite.abante.com.ph.