Abante Tonite Interactive

Maria biktima ng sexual abuse at pananakit sa Saudi at OWWA tumugon sa kaso ni Mariecar Calaunan

11

Sir/Madame, 

Humihiling si Ms Maria Fe L. Naranjo na biktima ng sexual abuse at pananakit ng kanyang employer sa Saudi Arabia na tulungang ma-repatriate.

Isang nagngangalang Evalyn na kapwa niya Pinay ang ngayon ay kumakalinga kay Maria Fe.

Wala na raw kasing cellphone si Mari Fe dahil kinumpiska ito ng kanyang employer.

Tumakas daw si Maria Fe dahil sinasampal-sampal siya at hinahalikan ng kanyang employer.

Unang beses ay nagtangka raw itong tumakas noong Hunyo 2016. Tumalon ito sa rooftop pero nahuli siya ng kanyang amo at dinala sya sa ospital.

Ang Pinay ay nasa Al Maddah General Hospital sa Riyadh sa may Khamis Mushayt malapit sa Tareeb at Tatleeth at humihiling na ma-rescue upang makauwi na ng Pilipinas.

Si Maria Fe ay nakapagtrabaho sa Saudi sa pamamagitan ng Al Faleh Agency.

Nagpapasalamat,

John Leonard Monterona
United-OFW

***

Ang kaso ni Maria Fe ay ipinarating sa United OFW na pinamumunuan ni G. Monterona at ini-refer sa TONITE upang makalampag at magawan ng agarang aksyon ng OWWA at mga opisyales ng embahada ng Pilipinas sa Saudi Arabia.

Kaya sa pamamagitan ng Bayani Ka! ay nananawagan kami sa OWWA na bigyang-pansin ang kalagayan ni Maria Fe na hanggang sa kasalukuyan ay nakaratay pa sa nabanggit na pagamutan sa Riyadh.

***

OWWA tumugon sa kaso ni Mariecar Calaunan

Nakipag-ugna­yan na ang TONITE sa pamamagitan ng a­ming reporter na si Armida Rico sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) patungkol sa kaso ni Mariecar L. Calaunan na humihiling na mapauwi ng bansa dahil sa lupit na inaabot sa employer sa Riyadh.

Nangako ang OWW­A sa pamamagitan ng Repatriation Division. Makikipag-coordinate ang pinuno ng nasabing dibisyon sa Philippine Overseas Labor Office-POLO-OWWA sa Riyadh para alamin ang kalagayan at maibigay ang karampatang tulong.