Abante Tonite Interactive

Maria Makiling, may mensahe sa tao

0 477

Rey T. Sibayan

Isang magandang araw mga ka-Misteryo.

Bumitaw muna tayo sa pang-araw-araw nating buhay at pagnilayan natin ang mensahe ng Kalikasan sa atin bunsod ng magkakasunod na lindol.

Isiniwalat sa Misteryo Paranormal Network ni Toshiro, isang Wiccan practitioner na nagawa niyang makausap ang isa sa kilalang Diwata ng kalikasan ng Pilipinas – si Maria Makiling.

“Nakausap ko po ang isa sa tatlong Maria sa hie-rarchy ng pinaka matataas na engkantada sa mundo ng mga engkanto.

Sabi ni Maria Makiling kinakailangang mangyari ang ganun (mga lindol) para ibalik sa tao ang kaisipang hindi nila pagmamay-ari ang mundo. Na sila ay pinahihintulutan lamang ni Bathala na tumira at pagyamanin ang biyayang dagat gubat at lupa.

Related Posts

Wala aniyang karapatan ang taong dumihan at saktan ang sansinukob dahil hindi ito sa kanila. Ang lahat ay kay Bathala at nararapat na pagyamanin ang mga biyaya ng Kalikasan.

Sinabi pa nya na malapit nang mabuksan ang librong may gintong tanikala. Mailalahad na ang liwanag sa mundo at ang mga ikinubling kasaysayan,” ani Toshiro.

Dagdag pa ni Toshiro, “wala akong idea sa huling sinabi ni Maria Makiling.Maging ang spirit guides ko..hindi hagip ng karunungan nila ang bagay na un.”

Sa panig naman ni Michael Santiago, isang Psychic Educator, batay sa mga nakausap niyang spiritual healers, “maraming nakaabang na kalamidad ngunit maraming nakontra, nagdasal pars iwas sa kaguluhan pero technically ito ay delaying the inevitable lamang. Dapat na talagang maglinis ng sakit si Inang Kalikasan dahil super pasaway po ang tao. Almost buwan-buwan po may napi-pick up akong potential major earthquake…”

Mahalaga talagang isa-alang-alang natin hindi Lang ating mga sarili kundi maging ang ating Kalikasan para sa kinabukasan.

Para sa inyong mga katanungan at suhestyun, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang website:www.reytsibayan.com. Salamat po. Namaste