Abante Tonite Interactive

Maria Nieza Viray pinasan ang Beda

By
(Photo by: Patrick Adalin)
839

Mga laro ngayon: (FilOil Arena,  San Juan)

8 a.m. – AU vs Letran (jrs)
9:30 a.m. – AU vs Letran (m)
11 a.m. – AU vs Letran (w)
12:30 p.m. – EAC vs JRU (w)
2 p.m. – EAC vs JRU (m)

Pinasan ni Maria Nieza Viray ang San Beda College upang kalusin ang University of Perpetual Help, 28-26, 25-18, 29-26 at sumalo sa tuktok ng team standings kahapon sa 93rd NCAA women’s indoor volleyball tournament sa FilOil Flying V Centre, San Juan City.

Humataw si Viray ng 20 puntos para sa Lady Red Spikers na sinakmal ang 2-0 card at sumiksik sa top spot kasama ang defending champion Arellano University at College of Saint Benilde.

Nilampaso ng Lady Blazers ang Lyceum of the Philippines University, 22-25, 23-25, 25-14, 25-13, 15-10 sa unang laban.

Ayon kay SBC coach Nemesio Gavino Jr., matapos ang mahirap na salang nila sa Jose Rizal University sa unang panalo, pinaghandaan agad nila ang Perpetual.

“Trinabaho namin sa training talaga ang Perpetual, game plan namin kung paano pi­pigilan ang Perps.” saad ni Gavino. “Inisa-isa namin sa scouting,”

Naitabla ng Lady Red Spikers ang iskor sa 25 bago tinarak ang dalawang match point advantages saka tinapos ni Francesca Racraquin ang hambalusan.

Nirehistro ni Racraquin ang 13 points mula sa 10 kills, dalawang service aces at isang block para sa SBC.

Kumana si Lourdes Clemente ng 16 mar­kers habang may 11 si Cindy Imbo para sa Lady Altas na nalasap ang unang talo sa dalawang laro.