Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maria pambato ang boses

0 460

NI: ROLDAN CASTRO

Humahataw ang singing career ni Maria Pangilinan.

Siya ay bagong recording artist ng Praise.

May ibubuga ang kanyang boses dahil release na ang kanyang single na “Pag-ibig ko’y Walang Hanggan”.

Kaibigan niya si Jos Garcia na may hit song na “Ikaw Ang Iibigin.” Ito ay sa komposisyon ni Michael de Lara.

Mukhang magki-click din ang kanta ni Maria gaya ni Jos dahil iisa ang composer nila.

Ang mga paboritong singers ni Maria ay sina Whitney Houston , Celine Dion ,Beyonce, Mariah Carey , Adele at Carpenters.

Ang tipo niyang music ay R&B , Pops , Oldies , Jazz , Soul , Classic.

Ngayong pandemya kailangan natin ang musika ni Maria para maaliw at mawala ang bagot sa buhay.

Pambato ng music industry ang tinig niya dahil maganda, malamig at winner talaga.

Leave A Reply

Your email address will not be published.