Abante Tonite Interactive

Maria Ressa kumuha ng American lobbyist

328

Iniulat ng isang American news channel ang pagkuha diumano ni Rappler chief executive officer Maria Ressa ng American lobbyist para makatulong sa kanyang “foreign relations campaign” laban sa administrasyong Duterte.

Base sa ulat ng CNBC, nabatid sa lobbying disclosure reports na kumuha si Ressa ng dalawang partner mula sa Covington & Burling.

Ayon pa sa ulat, magtatrabaho sina Peter Lichtenbaum at Kurt Wimmer para kay Ressa kaugnay sa mga kinakaharap nitong kaso at ng Rappler
“The Covington leaders were registered to lobby for Ressa effective Friday,” ayon sa CNBC report.

Matapos lumabas ang ulat, inihayag ni Wimmer sa kanyang email na magbibigay sila ng legal counsel kay Ressa at sa Rappler at magsasagawa rin ng briefing sa mga US policymakers.

Wala naman umanong tugon sina Ressa at Lichtenbaum nang hingan ng reaksyon hinggil dito.