Abante Tonite Interactive

Marian 2 buwan walang dalaw

2,187

tonite-pak-allan-dionesTinext namin­ nu’ng isang araw si Marian Rivera at tinanong namin kung ilang buwan na ang balitang pinagbubuntis niya.

Isang tulaley o nakatulalang emoji lang ang sagot sa amin ni Marian. In fairness ay hindi niya idinenay sa amin ang chika na preggers siya.

Hindi siya nag-reply ng, “Tsismis lang ‘yon, mars! Hindi totoong buntis ako!” Walang ganern.

Tinanong din namin si Dingdong Dantes pero hindi kami sinagot nito.

Lalong umugong ang mga espekulasyon dahil sa pictures na kuha kay Yanyan ay halata raw na may slight baby bump na ito.

Ang sabi-sabi ay ayaw pang mag-announce ng DongYan dahil naghihintay pa sila ng go signal from their doctor, para sure na sure na ‘pag sinabi nila sa publiko.

Parang ganu’n na ang nakagawian lalo na sa mga celebrity ngayon. Hindi sila nag-a-announce kaagad, naghihintay muna sila ng ilang buwan para makasi­guro.

Ayon sa aming super-reliable source, 2 months nang delayed ang 34-anyos na Kapuso actress.

And after a week ay makukumpirma na raw ni Yan kung buntis nga siya.

Kailangan din niyang i-announce ito in public dahil meron silang pa-fun run event ni Dingdong soon, na siyempre ay hindi na niya puwedeng salihan kung preggy siya.

Ang lagay namang tumakbo-tumakbo roon si Marian nang may laman ang sinapupunan niya?

The Color Run Hero Tour ang tawag sa event na ‘yon sa November 11 na presented by GMA, in support of I Am Super campaign ni Dong.

Aliw ‘yung caption sa Instagram post ni Yan dito na, “Confirmed, tatakbo si Dong! Sa #Happiest5K!” na tila pahaging sa balitang tatakbo si Dong sa eleksyon next year.

“Aba siyempre ako rin, kaya sign up now. Who’s gonna run with us?” ang sey pa ni Yan sa kanyang post.

Palagi namang sinasabi ni Marian na gusto na nilang magkaanak ulit ni Dong at marami silang gustong gawin dahil big family ang pangarap nila.

3 years old na ang panganay nilang si Zia na mukhang malapit nang maging ate!

Daig ng malandi ang maganda — Roxanne

Tinawanan lang ni Roxanne Barcelo ‘yung isyu na pareho niyang nakaaway ang dalawang co-stars niya sa ‘Abay Babes’ na sina Meg Imperial at Nathalie Hart.

Sey ni Rox, in fairness ay okey sila at bago sila nag-start mag-shooting ng movie ay nag-comedy workhop muna sila with John ‘Sweet’ Lapus, so medyo nakapag-usap sila roon nang masinsinan.

“Bongga naman, naging professional kami and eventually, we all became… walang eme, mamatey, mategi man, naging magkakaibigan kami,” ang beks na beks na dayalog ni Roxanne.

Ang chika ni Nathalie, masaya sila sa set ng pelikula dahil nag-bonding silang limang girls at nagsabihan sila ng mga sikreto nila.

Wala raw patalbugan dahil pangit lalabas ang movie kung maglalabanan sila. Magkakaiba naman daw kasi ang karakter nila.

Si Meg ang ibang-iba sa kanilang lima dahil dahil tomboy ang role nito na videographer ng grupo.

Si Nat ay ambisyosang commercial model ng car shows na kikay at exagg sa lahat ng bagay.

Si Kylie Verzosa ay madre, so mahinhin daw ito at hindi puwedeng magpakakikay.

Si Roxanne ay feeling maganda na galing Amerika, na ang motto in life ay, “Daig ng malandi ang maganda”.

Si Cristine Reyes ay doktora na hopeless romantic. May twist daw sa bandang dulo dahil may makaka-partner siya na hindi ine-expect at first time niya sa buong career niya.

Hulaan na lang daw kung sino ang cute niyang love interest. Basta raw abangan dahil pasabog ito.

Bukod sa magaganda at nagseseksihan ang limang girls ay bilib ang direktor nilang si Direk Don Cuaresma dahil magagaling daw ang comic timing nila.

Sa Miyerkules na, September 19, ang showing sa mga sinehan nationwide ng ‘Abay Babes’ mula sa Viva Films.