Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marian, Angel, Sarah join sa Asia’s Top 100 Digital Stars

0 170

Pitong Pinoy celebrities ang pumasok ngayong taon sa Forbes Asia’s Top 100 Digital Stars.

Ito’y sina Sarah Geronimo ,Marian Rivera-Dantes, Kim Chiu, Anne Curtis, Vice Ganda, Kathryn Bernardo at Angel Locsin.

Binase rin ang pagpili sa matinding influence nila sa social media at ginamit ito sa pagsuporta sa mga naapektuhan ng pandemya ng COVID-19.

Kasali sa listahan ang Blackpink, BTS .Ganoon din sina Mario Maurer, Lee Min-ho, Rebel Wilson..

“The inaugural Forbes Asia’s 100 Digital Stars list couldn’t have come at a more relevant time. Artists rely on social media platforms to connect and communicate with fans, especially in the absence of live entertainment due to COVID-19 restrictions around the region,” deklara ng editor na si Rana Wehbe Watson.

Congrats!

Alex 2 linggo na ‘pipi’

Kayanin kaya ni Alex Gonzaga ang dalawang linggo na mistula siyang pipi? Binawalan siyang magsalita ng doctor kung hindi kailangan dahil need niyang ipahinga ang kanyang lalamunan.

“Ang hirap ng no talking,” hinaing ng actress-tv host.

“During my Christmas break I am required not to talk at all. So, help me God! Ang hirap na challenge,” sambit pa niya.

Hindi naman dinetalye ni Alex kung ano ang nangyari sa kanyang lalamunan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.