Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marian, Anne pinagsabong ang byuti

0 291

NI: ARCHIE LIAO

Marami ang bumilib sa natural beauty ng Kapuso actress na si Marian Rivera sa ipinost nitong photo sa kanyang Instagram account.

May caption itong “Rock it and own it”. Hinahaplos ng aktres ang kanyang fez at malaporselanang kutis.

May isa namang netizen na tumutugon sa user name na raytssanchez ang nagkomento na sina Marian daw at Angel Locsin ang kilala niyang pinakamaganda sa buong mundo.

Batikos naman ng isang kebabkamatsu, magkape muna raw ang nasabing netizen dahil maganda rin para kanya si Anne Curtis.

Sabad naman ni keviinb1989, hamak daw namang angat si Marian kay Anne dahil symmetrical ang face nito at mala-diyosa ang ganda kumpara sa Kapamilya actress na average American beauty.

Hindi naman nagpatalo si kebabkamatsu at sinabing mas mabenta si Anne dahil siya ang kinukuha ng international designers .Naipe-feature din sa Fashion Week compared kay Marian na bopol daw sa pag-iingles.

Pagtatanggol naman ng isang meycheel19, di raw kailangan ni Marian ng Fashion week dahil legit buyer daw ito ng designer brands.

May isang follower naman ang sinabihan si Marian na ikalma ang kanyang mga subscriber.

Leave A Reply

Your email address will not be published.