Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marian ayaw pakabog kay Bea

0 168

NI: ARCHIE LIAO

Marami na ang nakaka-miss sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Katunayan, siya ang original choice noon para makatambal ni Gabby Concepcion sa teleseryeng First Yaya na pinagbidahan ni Sanya Lopez.

Dahil di pa feel ni Marian na magtrabaho dahil sa pandemya naudlot ang pagbabalik ng reyna ng GMA-7 sa Primetime. Gusto niya kasing magpokus muna sa kanyang pamilya at pangalagaan ang kalusugan ng mga ito.

Pero sa mga DongYan fan, may naaninag silang pag-asa na muling masilayan ang kanilang idolo sa telebisyon.

Isang faney kasi na tumutugon sa user name na leng14344 ang nagtanong kay Marian sa kanyang Instagram account kung kelan uli magkakaroon ng bagong show ang aktres.

Aniya, kahit replay daw kasi ang Endless Love ay walang sawa nitong pinapanood sa TV .

Sagot naman ni Marian sa fan:”Aww.maraming salamat.Soon.Inaayos na ang script. “

Sey ng kibitzers, exciting news daw ito dahil nakatakda nang magbalik ang reyna.

Hirit naman ng ilang intrigera, ayaw raw pakabog ni Marian at pinaghahandaan na nito ang showdown nila ni Bea Alonzo na isa na ring Kapuso.

Leave A Reply

Your email address will not be published.