Abante Tonite Interactive

Marian buntis?

By
0 1,999

Nagtatanong ang mga netizen kung totoo nga ba na buntis si Marian Rivera. Isang photo kasi ang ibinahagi ng isang netizen na nakasama sa isang event. Ipinakita ni Marian ang kanyang Pearl Collection.

Suot niya ang hapit na beige dress na tinernohan ng pearl necklace. Bakat sa nasabing picture ang maliit na baby bump ni Marian.

Alam naman ng lahat na sobra ang kaseksihan niya at may bonus pang abs.

Nagtataka rin ang mga netizen dahil sa hindi na ito nagpo-post ng whole body sa kanyang Instagram account at puro half body shots na lang.

Masaya naman sila kung sakaling totoo ang balita at kumpirmahin ng Dantes Family. Ito rin kasi ang hinihiling ng anak nilang si Zia Dantes noong kaarawan ng aktres.

Hirit ng mga netizen na sana ay baby boy ang next na magiging anak nina Yan at Dong.